Mga Larawan

Miyerkules, Disyembre 21, 2011

Ang Pilipinas ay Hindi Gaya ng mga Damit sa Divisoria na Ipinagbibili at Maaari Pang Tawaran


Bakit ganoon na lang kalaki ang pinsala ng Bagyong Sendong? Kung tutuusin likas  namang daanan ng bagyo ang Pilipinas ngunit hindi naman ganun kalala ang naiiwang pinsala nito.

Bakit ganoon na lang kabilis ang pagtaas ng tubig na ikinasawi ng mahigit 600 na katao, pagkawala ng mahigit 500 pa, pagkasira ng kanilang tahanan, pagkawasak ng kanilang mga ari-arian at hanap-buhay?

Dahil iyon sa pagkakalbo ng kagubatan at kabundukan sanhi ng walang habas na pagtotroso ng puno at malawakang pagmimina ng sabwatang gobyerno,  ang magkapatid na  gahamang dayuhan at naghaharing korporasyon (na karamihan ay dayuhan din).

Pinahihintulutan ng gobyerno ang pagmimina at pagtrotroso ng mga naghaharing korporasyon at ng kapatid nitong gahamang dayuhan.  Pinahihintulutan ng gobyerno na gahasain ng magkapatid ang ating likas  na yaman kapalit ng konting kita at pamumuhunan ng mga ito. Ang galing 'no? Parang inosente pa lang tayo, binubugaw na ng gobyerno.

Tapos parang nagtaka pa ang gobyerno ''kung bakit ganoon kalaki ang pinsala''. Wow, kasama atang inanod 
ng tubig baha ang mga utak ng mga ito.

Wag na kayong magtaka kung sa susunod eh maulit pa ito, hangga't nandiyan ang sabwatang gobyerno, dayuhan at naghaharing-korporasyon asahan n'yong mau-ulit at mauulit pa ito.
------

Bakit 'illegal logging' lang ang sinisisi ng gobyerno at ng media sa nangyaring sakuna sa Mindanao, bakit hindi nila masabing gawa ito ng 'ligal' na malawakang pagmimina na pinahihintulutan ng gobyerno?

------

Junk  Republic Act No. 7942 o Philippine Mining Act of 1995

------
Sa pagmimina, liban sa paghahanap ng mga mineral ay kasama rin dito yung pagku-quarry ng gravel and sand. Sa parteng Mindanao napakarami nito.

Ayon sa Mining Act of 1995, ang mga local government units (LGU's) ay tatanggap ng 40% ng kabuuang kita ng National Government sa mga ipinapataw nitong ibat-ibang taxes mula sa pagmimina.
Provincial - 30%
Municipal - 70%
mula sa 40%.  (ewan ko lang kung totoong 40%)

- LGU's - ang magbibigay ng permit doon sa mga tinatawag na mga 'small scale' at 'medium scale mining operator'.

- magsisilbing tagapamagitan kung magkaroroon ng usapin sa pagitan ng cultural minorities o komunidad at ng mga operator ng minahan.
Dito pa lang malaki na ang problema, kasi papaano ka makaaasa na papansinin ng provincial o municipal yung mga reklamo ng mga apektadong mga komunidad kung ang mga tagapamagitan ay kumikita  sa mga taxes mula sa pagmimina at iba pa ang tuwirang suhol o padulas galing sa mga operator o kapitalista.

- DENR - naman ang siyang nagbibigay ng permit don sa tinatawag na large scale mining, dahil mas malaki ang tutubuin ng bulsa nila rito, galing din sa mga padulas o suhol ng kapitalista. Pinahihintulutan lang nila nang pinahihintulutan ang mga dayuhan at kapitalista (nakaramihan ay dayuhan din) na minahin nang minahin ang ating likas na yaman. At ang naging resulta, kagaya ng nangyari sa kalakhang Mindanao.

----

S'yempre para mas makaakit ng dayuhang korporasyon na nagmimina ay mas mababa ang buwis na binabayaran nila sa ating gobyerno.  Barya kapalit ng likas na yaman na sinira nila sa atin sa ganyang presyuhan tayo binebenta, na hindi naman sa'tin napupunta  ang kinita, kundi kalimitan sa bulsa lang nila!

----
Mayroong tinatawag na closed areas at open areas for mining. Nakadefine o tukoy na yung mga lugar na hindi maaring pagminahan pero ang Secretary of DENR ay maaring magsabi na ito ay maaaring pagminahan ayon sa kanyang pag-aaral (daw).

Madaming mga violations sa halos lahat ng mga minahan at ang mga komunidad sa paligid nito ang tuwirang nagdurusa. Ilan dito ay yung mga napapanood natin sa tv.

Bakit hindi mawawasak ang ating mga kabundukan at talagang kung saan-saan bumabaha eh ang lahat ng mga provincial pati municipal government natin ay maaring magbigay ng permiso sa mga mining operator,  ito ang tinatawag na liberalisasyon sa industriya ng pagmimina. At ang katumbas na kahulugan nito, ay ang pagkawasak ng ating mga kagubatan at kabundukan. At ang liberalisasyong ito ay paghahanda na tinatawag na globalisasyon sa larangan ng pagmimina.


(Salamat kay R. Quizon at L. Castro para sa mga impormasyon at sagot sa mga tanong ko)
-----

Hindi pa huli ang lahat may magagawa pa tayo:

*Wag pahintulutan ang mga gahaman na pagsamantalahan ang ating bayan.
-  wag hayaan ang gobyerno na ipagbili tayo sa mga dayuhan at kapitalista (na karamihan ay dayuhan din). Ang Pilipinas ay hindi gaya ng mga damit sa divisoria na ipinagbibili at maaari pang tawaran!

*Sa Charter Change o Cha-Cha na isinusulong ngayon sa kongreso ang ilang batas na nais nilang alisin ay ang mga batas na nagbibigay ng restriksyon na pumuprotekta sa ating ekonomiya. Nais nilang pahintulutan ang mga dayuhang kapitalista na makapagmay-ari ng buong-buo sa mga negosyo o kabuhayan ng bansa. At kasama na dito ang buong kontrol ng mga dayuhan sa operasyon ng pagmimina. Kaya dapat natin itong tutulan.

*Ibagsak ang kapitalismo. Maisasalba lamang ang kalikasan sa patuloy nitong pagkasira kung maibabagsak ng uring manggagawa ang Kapitalismong sistema. Kapiitalismo ang s'yang puno at ugat ng lahat ng nangyari. Habang kapitalismo ang naghaharing sistema, asahan n'yong patuloy na mawawasak ang mundong ating tinitirahan at madami pang buhay ang masasawi. (nabasa ko kung saan)

*tutal hindi naman natin maaasahan ang gobyerno sa usaping ito. Palakasin natin ang ating sariling hukbo, hukbong hindi nasisilaw sa kinang ng pera. Hukbong hindi tuta ng dayuhan at Hukbo na s'yang tunay na nagmamalasakit sa'tin at sa'ting likas na yaman.##
_______________________________________________________

Ngayon n'yo sabihin sa'kin na barbaro, sanggano, terorismo at hindi makatao [?] ang ginawang pagsalakay ng New People's Army sa isang  minahan sa Mindanao kamaikailan, na ikinasunog ng mga kagamitang pangmina ng mga ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento